Oust Duterte rally, wishful thinking lang – Palasyo

By Chona Yu February 23, 2020 - 01:36 PM

Wishful thinking!

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa humigit-kumulang 100 katao na nagsagawa ng kilos protesta sa People Power Monument sa Quezon city at nanawagang patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na pipe dream lamang ang ambisyon ng mga raliyista.

Kabilang sa mga nagsagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Kilusan Kontra Tsina (KKT), Oust Duterte Movement, Bunyog and Confederation against Federalism flocked to the People.

Ayon kay Panelo, hindi naman masama kung susubukang muli ng nabanggit na mga grupo na tangkain na patalsikin si Pangulong Duterte.

“Wala na. Di ba wala pang 100 yata ang dumating? ‘Yun ang sinasabi ko. Pipe dream lang yun. It’s a wishful thinking. Iyan ang statement we have to make. Wala ‘yun. They can always try. Wala. Hanggang doon na lang sila,” ani Panelo.

Kumpiyansa kasi si Panelo na hindi magtatagumpay ang sinuman na pabagsakin ang pangulo.

Hindi naman matukoy ni Panelo kung ano ang rason ni Pangulong Duterte sa hindi pagdalo sa anibersaryo ng People Power sa Pebrero 25.

“Eh kung ayaw niyang umattend, bakit naman natin pipilitin…Tatanungin ko siya kung anong reason niya,” aniya pa.

Simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong 2016, hindi pa dumadalo ang Punong Ehekutibo sa anibrsaryo ng People Power kahit na isang beses lamang.

TAGS: Oust Duterte rally, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Oust Duterte rally, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.