Amihan, umiiral pa rin sa Luzon at Visayas – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na umiiral pa rin ang Amihan sa kabila ng nararanasang mainit na panahon.
Patuloy naman aniyang makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley at Bicol region.
Bunsod pa rin nito, naglabas ng gale warning sa seaboard ng Luzon, Eastern seaboard ng Visayas at Mindanao.
Ibig sabihin nito, sinabi ni Aurelio na asahan ang matataas na alon sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– Calayan
– Cagayan
– Isabela
– Aurora
– Northern Quezon (Gen. Nakar)
– Polilio Group of Islands (Panukulan, Northern Burdeos, Northern at Eastern Coasts ng Patnanungan at Jomaig)
– Northern coasts ng Camarines provinces
– Northern at Eastern Coasts ng Catanduanes
– Eastern Coast ng Albay (Rapu-rapu Island at Batan Island)
– Eastern Coast ng Sorsogon
– Northern at Eastern Coasts ng Samar provinces
– Ilocos Norte
– Palawan
– Southern portion ng Mindoro provinces
– Dinagat Island
– Siargao
– Surigao del Sur
– Davao Oriental
– Southern portion ng Davao Occidental
Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila maliban sa posibleng isolated light rains.
Wala naman aniyang natututukang low pressure area o bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.