Widening project sa Bacjawan Bridge, malapit nang matapos – DPWH
Malapit nang matapos ang isinasagawang widening project sa Bacjawan Bridge sa Concepcion, Iloilo ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Iloilo 3rd District Engineering Office (DEO) District Engineer Flordelis Enriquez, umabot na sa 98.6 percent ang completion rate ng proyekto hanggang noong buwan ng Enero.
Sakop ng proyekto sa bahagi ng Concepcion-San Dionisio Road ang pagpapalawak ng 190.40-square meters na concrete deck girder.
Aabot sa P17.40 milyon ang pondo sa proyekto.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, layon ng proyekto na makatulong sa pagpapaunlad ng eco-tourism, agrikultura at domestic trade sa Northern Iloilo.
Matatandaang nagsimula ang proyekto sa Bacjawan Bridge noong June 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.