34-anyos sa Filipino, kabilang sa dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa UAE
Inanunsiyo ng Ministry of Health & Prevention (MOHAP) sa United Arab Emirates (UAE) na mayroong dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, kinumpirma nito na kabilang sa dalawang bagong kaso ang isang 34-anyos na Filipino at 39-anyos na Bangladeshi.
Ayon sa MOHAP, nagkaroon dati ng close contact ang dalawa sa isang Chinese national na apektado ng sakit.
Sa ngayon, stable naman anila ang kondisyon ng dalawang pasyente.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang MOHAP sa mga otoridad sa bansa at patuloy ang pagsunod sa ipinatupad na epidemiological monitoring mechanism.
Muling nagpaalala ang MOHAP sa publiko sa UAE na i-adopt ang protective health behaviors tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay at pagtakip ng bibig kapag uubo at babahing para maiwasan sa pagkalat ng nakahahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.