Driver ng jeep na sumagasa sa mga estudyante sa Makati sinampahan na ng patung-patong na kaso

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 03:35 PM

Patung-patong na kaso na ang isinampa ng Makati City Prosecutor’s Office laban sa driver ng pampasaherong jeep na sumagasa sa mga estudyante sa JP Rizal, Makati.

Mga kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries ang isinampa laban kay Crizalde Tamparong.

Kinasuhan din si Tamparong ngkasong paglabag sa violation sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Ito ay matapos lumitaw sa pagsusuri sa kaniya na siya ay positibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Kinasuhan din siya ng paglabag sa Section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakitaan din ng probable cause si Tamparong sa paglabag sa Section 19 ng Land Transportation and Traffic Code dahil sa pagmamaneho ng walang driver’s license.

Isang estudyante ang nasawi habang sugatan ang 8 iba pa nang araruhin ng jeep ang mga estudyante na tumatawid sa pedestrian lane.

TAGS: Inquirer News, jeepney driver, jp rizal, Makati City Police, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, jeepney driver, jp rizal, Makati City Police, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.