Pulis-Muntinlupa pumanaw sa sakit na dengue

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 02:36 PM

Isang pulis sa Muntinlupa City ang pumanaw dahil sa sakit na dengue.

Sa pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nagpa-abot ito ng pakikiramay sa mga naulila ni Police Lt. Alioden Mangonday.

Si Mangonday ay sumasailalim sa field traning program ng Southern Police District (SPD) nang siya ay magkasakit.

Ayon kay NCRPO chief Police Maj. General Debold Sinas, kinikilala ng NCRPO ang mga nagawa ni Mangonday sa pagseserbisyo publiko.

Pumanaw si Mangonday araw ng Huwebes habang ginagamot sa Asian Hospital dahil sa sakit na dengue secondary to severe pneumonia.

Agad ding inilibing si Mangonday sa Blue Mosque sa Taguig City.

TAGS: Dengue, Inquirer News, Muntinlupa, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Dengue, Inquirer News, Muntinlupa, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.