DOH, tiniyak na wala pang Zika sa Pilipinas

By Kathleen Betina Aenlle February 03, 2016 - 04:22 AM

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtitiyak na nananatiling Zika virus-free ang Pilipinas.

Kasabay ito ng anunsyo ni Health Sec. Janette Garin na bagaman hindi pa rin nakakapasok sa bansa ang nasabing virus, pinaigting na rin ng kagawaran ang mga paghahanda sakaling dumayo na sa bansa ang sakit.

Kabilang sa kanilang mga paghahanda ay ang pagdaragdag ng mga testing kits para agad na masugpo ang virus oras na magkaroon na ng kaso nito sa Pilipinas.

Ayon kay Garin, nakumpirma ang pagkalat ng Zika virus sa 28 bansa, karamihan ay Latin America sa loob lamang ng nakalipas na siyam na buwan, at hindi kasama sa listahan ang Pilipinas.

Gayunman, dahil mayroon sa Pilipinas ng uri ng lamok na Aedes Aegypti, mas agresibo na aniya ang kanilang pagmamanman at mas pinaigting na nila ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol dito.

Ang nasabing uri rin kasi ng lamok ang nagdadala ng dengue, Chikungunya at yellow fever na laganap sa bansa.

Samantala, bineberipika pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may isa umanong Pilipinong naapektuhan ng Zika virus sa Honduras.

Isa ng global health alert ang Zika virus batay sa anunsiyo kahapon ng World Health Organization.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.