Hubei Province nakapagtala ng 115 na panibagong nasawi sa COVID-19; bilang ng panibagong mga kaso bumaba na

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 07:43 AM

Nakapagtala ng 115 na panibagong bilang ng mga nasawi sa Hubei Province sa China.

Dahil dito, umabot na sa 2,234 ang bilang ng nasawi sa mainland China dahil sa COVID-19.

Mayroon namang 11 na nasawi sa labas ng mainland China kabilang ang mga sumusunod na lugar:

3 – Japan (2 ay pasahero ng MV Diamond Princess)
2 – Iran
2 – Hong Kong
1 – Pilipinas
1 – Taiwan
1 – France
1 – South Korea

Kapansin-pansin naman ang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Hubei.

Sa nakalipas na magdamag ay 411 lamang ang naitalang bagong kaso ng COVID-29 sa Hubei.

Umakyat naman na sa 728 ang naitalang kaso sa Japan, 634 dito ay mula sa MV Diamond Princess at 94 ang mula sa iba pang bahagi ng Japn,.

Sa South Korea, nakapagtala din ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 106 ang kaso sa South Korea.

Ang Singapore ay mayroong 85 kaso, at 67 naman sa Hong Kong.

TAGS: China, COVID-19, disease, global death toll, Health, hubei death toll, Hubei Province PH News, Inquirer News, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, disease, global death toll, Health, hubei death toll, Hubei Province PH News, Inquirer News, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.