ABS-CBN CEO: Hindi kami perpekto, nagkakamali din po kami

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 07:06 AM

Inamin ng chief executive officer ng ABS-CBN na hindi perpekto ang giant network at mayroong mga pagkakamali.

Sa pahayag ni ABS-CBN CEO Carlo katigbak, sinabi nitong sa malilinawan din ang mga isyu hinggil sa kanilang prangkisa.

Tiniyak din nitong susunod sila sa legal na proseso.

‘Sa mga darating na araw, mabibigyan kami ng pagkakataong linawin ang mga isyu tungkol sa aming prangkisa. Wala po kaming nakikitang dahilan para hindi magtuloy ang paglilingkod ng ating ABS-CBN,” ayon kay Katigbak.

Ang pahayag ni Katigbak ay inilabas matapos ang news program ng ABS-CBN na TV Patrol kagabi.

Sinabi pa ni Katigbak na handa ang network na itama anuman ang kanilang mga pagkukulang.

“Gayun pa man, kami ay handang sumunod sa anumang proseso na dapat pagdaanan ayon sa batas,” he added. “Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang. Kasama ito sa proseso ng pagiging isang mas matatag na kumpanya.” dagdag pa ni Katigbak.

 

TAGS: ABS-CBN, franchise issue, giant network, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, franchise issue, giant network, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.