Pagpatay sa suspended BuCor official hamon sa PNP, NBI
Malaking hamon para sa mga imbestigador ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpatay kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) legal officer Frederic Santos.
Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at aniya, kailangan ay malaman ang tunay na motibo sa testigo sa Good Conduct and Time Allowance o GCTA scandal sa kawanihan na inimbestigahan sa Senado.
Diin ng senador, ang pagpatay kay Santos ay pagpapakita ng halaga ng buhay kasabay nang nagpapatuloy na kampaniya kontra droga ng gobyerno kung ito man ay pinlano nang husto o gawa ng drug syndicates.
Sa pagdinig sa Senado ukol sa iskandalo sa BuCor, tinanong ni Lacson si Santos ukol sa impormasyon na gumagamit ito ng droga kasama ang mga nakakulong na drug lords sa pambansang piitan.
Itinanggi ni Santos ang alegasyon.
Sa ngayon, ayon pa kay Lacson, nasa balikat na ng awtoridad ang pagresolba sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.