Pulisya, hahanap ng iba pang CCTV footage na posibleng nakuhanan ang pag-ambush sa dating BuCor official

By Angellic Jordan February 20, 2020 - 08:40 PM

Maghahanap ang pulisya ng iba pang closed-circuit television (CCTV) footage na posibleng nakuhanan ang pananambang kay dating Bureau of Corrections (BuCor) legal service chief Frederic Santos sa Muntinlupa City.

Ayon kay Police Col. Hermogenes Cabe, hepe ng Muntinlupa City police, pinalawak nila ang sakop kung saan kukuha ng mga CCTV footage.

May depekto kasi aniya ang tatlong camera na nakuha malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Maging ang nakuhang dashcam sa sasakyan ni Santos ay hindi aniya na-record ang insidente.

Titignan din aniya ang iba pang kuha ng mga CCTV footage sa lugar para makita ang direksyon kung saan pumunta ang dalawang hindi pa nakikilalang gunman.

Nakasakay sa motorsiklo ang dalawang responsable sa krimen nang tumakas sa insidente.

TAGS: bucor, CCTV footage, Frederic Santos, Muntinlupa City Police, Santos ambush, bucor, CCTV footage, Frederic Santos, Muntinlupa City Police, Santos ambush

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.