Temperatura sa Baguio City muling bumagsak sa 10.4 degrees Celsius

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2020 - 09:35 AM

Muling nakapagtala ng malamig na temperatura sa Baguio City, Huwebes (Feb. 20) ng umaga.

Ayon sa Civil Defense Cordillera base sa datos ng PAGASA Synoptic sa Baguio naitala ang 10.4 degrees Celsius sa lungsod alas 5:00 ng umaga.

Ito ay makaraang lumakas muli ang bugso ng Amihan.

Noong February 1 naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ngayong taon na umabot sa 10.2 degrees Celsius.

Sa kasaysayan, 6.3 degrees Celsius ang pinakamalamig na temperatura na naitala sa Baguio City at ito ay noong Jan. 18, 1961.

 

TAGS: baguio city, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather, baguio city, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.