Mga Pinoy na uuwi sa Pilipinas galing Singapore hindi kailangang sumailalim sa quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2020 - 09:06 AM

Walang dapat na ipag-alala ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Singapore na nakatakdang magbakasyon sa Pilipinas.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Singapore, walang ipinatupad na travel ban ang Pilipinas sa naturang bansa.

Ibig sabihin, ang mga Pinoy, galing Pilipinas ay pwedeng magtungo sa Singapore, habang ang mga galing Singapore ay pwede ring bumalik ng Pilipinas.

Nilinaw din ng embahada na ang mga Pinoy na uuwi sa Pilipinas ay hindi kailangang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.

Patuloy naman ang paalala ng embahada sa mga Pinoy sa Singapore na maging maingat para hindi sila mahawaan ng COVID-19.

Sa ngayon ay mayroong 81 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore, 48 sa kanila ay stable na ang kondisyon pero nananatili sa ospital, habang 29 naman ang nakauwi na.

Mayroon namang apat na nasa ICU pa.

TAGS: China, COVID-19, disease, Dona Dominguez-Cargullo, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, ncov, OFWs, Philippine breaking news, Philippine Media, philippines, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, disease, Dona Dominguez-Cargullo, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, ncov, OFWs, Philippine breaking news, Philippine Media, philippines, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.