455 na bayan sa Pilipinas wala pa ring access sa malinis na tubig

By Jan Escosio February 19, 2020 - 12:36 PM

Ibinunyag ni Senator Francis Tolentino na may 455 na bayan sa Pilipinas ang wala pa rin suplay ng malinis na tubig.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Local Government pinuna ni Tolentino ang datos base na rin sa ipinatutupad na “Salintubig Program” ng Department of Interior and Local Government (DILG).

May mga panukala sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Nancy Binay at Manny Pacquiao para sa pagkakaroon ng Potable Water System sa lahat ng barangay sa bansa.

Kinontra naman ni DILG Salintubig Program Project Manager Relly Leysa ang pahayag ni Tolentino at sinabi na ang aktuwal na bilang ay 60 na lang.

Ngunit pagdidiin ni Tolentino hindi tugma ang datos ni Leysa sa higit siyam na milyong pamilya pa rin ang hindi nasusuplayan ng malinis na tubig.

Kaya’t payo ng senador sa mga kinauukulang opisyal na agad nang umaksyon at hindi hanggang ‘drawing’ lang ang kanilang mga plano.

TAGS: clean water, DILG, Francis Tolentino, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Salintubig Program, Tagalog breaking news, tagalog news website, clean water, DILG, Francis Tolentino, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Salintubig Program, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.