Pagpapasara sa mga POGO na hindi nagbabayad ng tamang buwis sinuguro ng PAGCOR sa Kamara
Tiniyak ng PAGCOR na handa nilang ipasara ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na hindi nagbabayad ng wastong buwis sa pamahalaan.
Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, sinabi ni Atty Jose Tria Jr., Acting Assistant Vice President ng Offshore Gaming and Licensing Department ng PAGCOR, na sumulat na sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para hingin ang listahan ng mga POGO na hindi pa nakakapagbayad ng kanilang buwis.
Ayon kay Tria, noong nakaraang linggo tumaas ang kanilang koleksyon sa POGO industry subalit pumalo naman sa P50 billion ang buwis na hindi nababayaran ng mga ito.
Dahil dito, iginiit ni Tria sa chairman ng komite na si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na ipapasara ng PAGCOR ang mga POGO na hindi nagbabayad ng buwis.
Tama ito ayon kay Yap dahil kung hindi naman kasi aniya nagko-comply ang POGO sa hinihiling ng batas ay mas mainam na paalisin na lang ang mga ito sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.