Bilang ng nasawi sa Hong Kong dahil sa COVID-19 nadagdagan pa
By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 12:10 PM
Isa pang pasyente na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong ang nasawi.
Nasawi ang 70 anyos na lalaking pasyente sa Princess Margaret Hospital.
Noong February 12 nang dalhin sa ospital ang pasyente matapos lagnatin.
Mayroon nang 62 kaso ng COVID0-19 sa Hong Kong at dalawa na ang nasawi.
Kabilang sa nagpositibo sa sakit ang isang Pinay na nagtatrabaho bilang household service worker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.