Political asylum sa dalawang bansa tinanggihan ni Trillanes

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 09:41 AM

Dalawang bansa umano ang nag-alok ng asylum kay Senator Antonio Trillanes IV pero tinanggihan niya ito.

Ayon kay Trillanes desidido kasi siyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya ng administrasyon.

Tumanggi naman si Trillanes na tukuyin kung anong mga bansa ang nag-alok ng asylum pero mula pawang Eurpean countries aniya ito.

Sinabi ni Trillanes na wala siyang planong abandonahin ang laban kaya muli siyang bumalik sa bansa kahapon galing sa Estados Unidos.

Mayroong 20 kaso na kinakaharap si Trillanes, aniya 15 dito ay isinampa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

TAGS: asylum, criminal charges, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Senator Antonio Trillanes IV, Tagalog breaking news, tagalog news website, asylum, criminal charges, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Senator Antonio Trillanes IV, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.