30 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
Nakapagtala pa ng 30 volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag sa Bulkang Taal.
Ayon sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng mahihinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na umabot sa 50 hanggang 100 meters ang taas.
Masyado namang mababa ang antas ng Sulfur dioxide (SO2) na inilabas ng bulkan kaya hindi na ito na-detect ng instrumento ng Phivolcs.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano at patuloy ang paalala ng Phivolcs na pwede pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.
Bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.