Mahigit 100 Pinoy na sakay ng Diamond Princess ayaw magpa-repatriate

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 07:40 AM

Hindi lahat ng Pinoy na sakay ng Diamond Princess sa Japan ay nais na magpa-repatriate.

Mahigit 500 Pinoy na karamihan ay crew ang sakay ng cruise ship at sa huling datos ng Embahada ng Pilipinas Japan ay 35 sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na mahigit 100 sa mga Pinoy ay ayaw magpa-repatriate.

Irerespeto naman aniya ng pamahalaan anuman ang magiging desisyon ng mga Pinoy lalo na ang mga crew ng barko na contractual na nagtatrabaho sa cruise ship.

Sinabi ni Duque bukas maaring maianunsyo na ng inter-agency task force ang pinal na hakbang sa pagpapauwi sa mga Pinoy.

March 5 ayon kay Duque ang inisyal na target ng Department of Foreign Affairs (DFA) para isagawa ang repatriation.

TAGS: China, COVID-19, cruise ship, disease, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, cruise ship, disease, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.