Lalaki arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Ilocos Norte, shabu nakabalot sa candy wrapper

By Mary Rose Cabrales February 19, 2020 - 06:11 AM

Arestado ang isang lalaki sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa Barangay Tabug sa Batac City, Ilocos Norte, Lunes ng hapon (February 18).

Nakilala ang suspek na si alyas “Boy”, 53 anyos isang tricycle driver.

Ayon sa mga otoridad, isang buwan nilang binantayan ang galaw ng suspek na nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang ng gobyerno.

Agad na inaresto ang suspek matapos magpositibo ang pagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng shabu na nakabalot sa candy wrapper bukod sa dalawang sachet ng shabu na ibinenta niya sa poseur buyer at P5,000.

Nang maaresto ang suspek ay dinala ito sa ospital dahil sa alta presyon.

Mahaharap alyas “Boy” sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, ilocos norte, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust, ilocos norte, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.