Hirit na gag order ni Calida vs ABS-CBN, tama – Palasyo

By Chona Yu February 18, 2020 - 03:03 PM

Sinang-ayunan ng Palasyo ng Malakanyang ang hirit ni Solicitor General Jose Calida na magpalabas ng gag order ang Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition na inihain sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nagiging emosyonal na kasi ang issue at marami nang sinasabi ang magkabilang panig.

Kapag nagpalabas ng gag order ang Korte Suprema, sinabi ni Panelo na hindi na maaring magsalita ang ABS-CBN o si Calida, o ang Department of Justice o kung sino pa mang sangkot sa quo warranto petition kung merito na ng kaso ang pag-uusapan dahil magiging sub judice na ito.

Bawal na rin na magsalita ang mga artista na hayagan ang panawagan sa social media kung merito ng quo warranto ang tatalakayin.

Pero ayon kay Panelo, maari namang magsalita ang mga artista o sinuman bastat maging handa lamang sa posibilidad na ma-contempt.

Maari rin aniyang magsalita ang mga kagawad ng Kongreso kung renewal na ng prangkisa ng ABS-CBN ang pag-uusapan.

Sa paniwala ni Panelo, kaya humirit si Calida ng gag order dahil tungkulin niya ito ay hindi dahil sa bwelta ng mga kritiko.

Sa ngayon, nakabinbin sa Korte Suprema ang quo warranto na inihain ni Calida para ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mapaso sa marso ng taong kasalukuyan.

Sinabi pa ni Panelo na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN at iginiit na tanging ang Kongreso ang may tanging kapangyarihan na magpasya kung palalawigin pa ito o hindi na.

“Tama naman siya dun. Kasi parang nagiging emotional ‘yung issue on this particular topic. It’s much ado about nothing. It’s not about press freedom. Members of congress if they are doing their duty i don’t think they can be stopped from asking questions relative to the matter. Perhaps the resource persons can be covered but not members of the Congress,” ani Panelo.

Matatandaang makailang beses nang binanatan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN dahil sa hindi pag-ere ng kanyang campaign material noong 2016 Presidential elections kahit na bayad na.

TAGS: gag order vs ABS-CBN, jose calida, OSG, Sec. Salvador Panelo, gag order vs ABS-CBN, jose calida, OSG, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.