LOOK: Mga nakumpiskang Video Karera at Fruit Game machines winasak sa Camp Crame
Winasak sa Camp Crame sa Quezon City ang mga nakumpiskang Video Karera at Fruit Game machine kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na sugal ng Philippine National Police (PNP).
Pinangunahan ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations ng PNP ang ceremonial destruction ng nasa 50 nakumpiskang makina.
Ang mga winasak na Video Karera at Fruit Game machines ay nakumpiska sa ikinasang serye ng operasyon ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Caloocan, Muntinlupa at Pasay City.
Ayon kay Eleazar, palalakasin pa lalo ang kampanya kontra ilegal na sugal base na rin sa direktiba ni PNP chief, General Archie Gamboa.
Umapela din sa Eleazar sa publiko na agad magsumbong sa PNP kung may makikita silang operasyon ng ilegal na sugal, kalakaran ng ilegal na droga at mga tiwaling pulis sa kani-kanilang mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.