LTFRB naglabas ng preventive suspension order sa operator ng jeep na nanagasa ng mga estudyante sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 09:50 AM

Nagpalabas na ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng jeep na sangkot sa pananagasa ng mga estudyante sa JP Rizal sa Makati.

Ayon sa LTFRB, sakop ng preventive suspension order ang lahat ng unit ng jeep na nasa ilalim ng pangangasiwa ng operator.

Isang Grade 8 student ang nasawi sa nasabing insidente habang 7 pa ang sugatan.

Tumatawid sila sa pedestrian lane nang araruhin sila ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Crisalde Tamparong.

Base sa imbestigasyon, si Tamparong ay walang lisensya at nagpositibo pa sa paggamit ng ilegal na droga.

Ngayong araw ay nakatakda nang ihatid sa huling hantungan ang nasawing estudyante na si Jules Villapando.

 

TAGS: Inquirer News, Jeep, ltfrb, Makati, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Jeep, ltfrb, Makati, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.