SUV tumagilid matapos mabangga ng kotse sa San Juan
Tumagilid ang isang SUV matapos mabangga ng kotse habang binabagtas ang Santolan Road sa San Juan City.
Ayon kay Edgar Acebuche, driver ng Toyota Fortuner na may plate number WPO 271, katatapos lang niya ihatid ang kaniyang anak sa eskwelahan at kasama niya sa sasakyan ang kaniyang asawa.
Napansin na lamang umano nilang mabilis ang takbo ng Toyota Altis na may plate na XCF 110 na biglang bumangga sa kanilang sasakyan.
Dahil dito, nawalan ng kontrol si Acebuche at tuluyang tumagilid ang Fortuner. Maswerte namang kapwa hindi nasugatan si Acebuche at kaniyang asawa.
Pero sa lakas ng impact tumagilid ang fortuner sa gilid ng bangketa habang wasak na wasak naman ang unahan ng Toyota Altis
Nakilala ang driver ng Altis na si Geoffrey Taylor, 29 anyos batay sa kaniyang drivers’ license.
Ang nasabing aksidente ay nagdulot ng maagang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Santolan Road, partikular sa mga palabas ng EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.