41 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 08:10 AM

Sa nakalipas na 24 na oras ay may naitalang 41 mahihinang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nagkaroon din ng mahihinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay 50 hanggang 100 meters.

Masyado namang mababa ang ang ibinugang Sulfur dioxide (SO2) ng Taal kaya hindi na ito nasukat ng instrumento ng Phivolcs.

Nasa Alert Level 2 pa rin ang Taal Volcano at ayon sa Phivolcs, maari pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, at ashfall.

Bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI) at mga baybayin nito.

TAGS: Alert Level 2, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alert Level 2, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.