Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa China umakyat na sa 1,770

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2020 - 07:10 AM

(UPDATE) Umakyat na sa 1,770 ang bilang ng nasawi sa coronavirus disease (COVID-19) sa China.,

Ito ay makaraang makapagtala ng 105 panibagong bilang ng nasawi sa Hubei Province at sa iba pang bahagi ng mainland China sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito umabot na sa 1,775 ang global death toll ng COVID-19 kabilang ang tig-iisang nasawi sa Hong Kong, Pilipinas, Japan, France at Taiwan.

Umabot naman na sa mahigit 71,000 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nasabing bilang, mahigit 70,500 ay mula sa China.

Pumapangalawa ang Japan sa may pinakamaraming kaso na umabot na sa 414.

Sumunod ang Singapore na mayroong 75 kaso at Hong Kong na mayroong 57 kaso.

 

TAGS: China, COVID-19, disease, Health, Inquirer News, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, disease, Health, Inquirer News, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.