Biyahe ng MRT-3 balik normal ngayong umaga matapos magkaproblema kahapon
Balik na sa normal ang biyahe ng Metro Rail Transit – 3 ngayong Lunes ng umaga.
Ito ay makaraang magkaproblema kahapon sa biyahe ng MRT-3 na nagresulta sa pagpapatupad ng limitadong operasyon.
Kahapon ng umaga, isinara ang operasyon ng tren mula Ortigas hanggang North Avenue at pabalik.
Tanging Shaw hanggang Taft stations lamang at pabalik ang may biyahe.
Pasado alas 2:00 na ng hapon maibalik sa normal ang serbisyo ng mga tren.
Ngayong umaga sinabi ng MRT-3 na 14 na tren nito ang operational at 13 dito ang agad na nai-deploy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.