Easterlies, nagdadala ng mainit na panahon sa bansa – PAGASA

By Angellic Jordan February 16, 2020 - 07:08 PM

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na nagdadala ito ng mainit na hangin mula sa Pacific Ocean dahilan kung kaya mainit na panahon ang nararanasan sa bansa.

Dalawang araw aniyang hindi nakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa bansa.

Tanging sa bahagi lamang aniya ng Northern Luzon umiiral ngayon sa Amihan.

Ani Aurelio, asahang lalakas pa ang Amihan at maaaring maapektuhan nito ang buong bansa.

Posible aniyang makaranas ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Ilocos Region at Cordillera.

Magiging maaliwalas aniya ang lagay ng panahon sa bansa kabilang ang Metro Manila maliban sa posibleng localized thunderstorm sa ilang bahagi ng bansa.

Wala naman aniyang natututukang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

TAGS: easterlies, Pagasa, easterlies, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.