Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan sa magdamag

By Angellic Jordan February 15, 2020 - 01:02 PM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, nasa 202.76 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mababa ito kumpara sa 202.91 meters noong Biyernes ng umaga, February 14.

Bumaba rin ang antas ng tubig sa Ipo, La Mesa, San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ambukalo at Binga Dams.

TAGS: Angat Dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.