Planong pagsilip ng Senado sa reklamo vs ABS-CBN hindi paglabag sa sub judice rule – Sen. Gatchalian

By Jan Escosio February 14, 2020 - 12:59 PM

Naninindigan si Senator Sherwin Gatchalian na hindi malalabag ang sub judice rule kapag nagsagawa ng pagdinig ang kanilang Committee on Public Services ukol sa mga reklamo laban sa ABS-CBN.

Ayon kay Gatchalian batid naman nila na may quo warranto petition na ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema at iginiit dito ang mga reklamo laban sa higanteng media network.

Ngunit katuwiran ng senador kailangan din nilang malaman kung totoo o hindi ang mga reklamo at sinasabing paglabag ng ABS-CBN para malaman kung may kailangan bang amyendahan sa batas na gumagabay sa pagbibigay ng prangkisa.

Paglilinaw naman ni Gatchalian na sa ikakasang pagdinig ng komite ni Sen. Grace Poe ay hindi ukol sa renewal ng mapapasong prangkisa ng ABS-CBN kundi sa mga reklamo na inilatag ni Solicitor General Jose Calida sa inihain niyang petisyon.

Nagpatawag na ng caucus si Senate President Vicente Sotto III para pag usapan ng mga senador ang kanilang gagawing hakbang bunsod na rin ng unang pahayag ni Sen. Ping Lacson na maaring labagin ang sub judice rule kapag tinalakay sa Senado ang isyung kinasasangkutan ng ABS-CBN.

TAGS: ABS-CBN, Breaking News in the Philippines, franchise, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Senate, sub judice rule, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, Breaking News in the Philippines, franchise, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Senate, sub judice rule, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.