252 na itinuring na PUIs nag-negatibo sa COVID-19 ayon sa DOH

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 11:55 AM

Umabot na sa 252 na itinuturing na patients under investigation (PUIs) ang nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mayroon namang 261 nang nakalabas ng ospital.

Pero mayroon pang 191 na nananatili sa pagamutan dahil hindi naman lahat ng nagnenegatibo ay agad nakalalabas ng pagamutan.

Sa ngayon mayroong 186 pang test results na hinihintay mula sa RITM.

Sa kabuuan ay umabot na sa 455 ang bilang ng itinuring na PUIs ng DOH dahil sa COVID-19.

Nananatiling tatlo dito ang kumpirmado sa sakit at isa ang nasawi.

Wala pa ring naitatalang local transmission ng COVID-19 sa bansa.

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, DOH. PUIs, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, DOH. PUIs, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.