Mga pulis nangharana sa LRT at MRT ngayong Valentine’s Day

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 11:00 AM

Ngayong Araw ng mga Puso, hindi lang pagtitiyak sa seguridad ang inatupag ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Sa MRT-3 at LRT-1 hinarana ng mga pulis ang mga pasahero.

Sa LRT-1 Central Station, kinantahan ng banda na binubuo ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga pasahero ngayong Valentine’s Day.

Pinangunahan naman ni MPD Chief Bernabe Balba ang pamimigay ng rosas sa mga babaeng pasahero.

Ganito rin ang naging sitwasyons a Boni Station ng MRT-3.

May mga pulis na tuahan ng Mandaluyong City police station ang nangharana sa mga pasahero.

Ang mga miyembro naman ng Rizal PNP Band maagang nangharana sa bahagi ng Manila East Road Taytay, Rizal.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LRT, MRT, News in the Philippines, PH news, PNP, Radyo Inquirer, Rizal PNP Band, Tagalog breaking news, tagalog news website, valentine's day, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LRT, MRT, News in the Philippines, PH news, PNP, Radyo Inquirer, Rizal PNP Band, Tagalog breaking news, tagalog news website, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.