Taunang One Billion Rising Dance umarangkada na sa Maynila
Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng mga kababaihan ngayong Araw ng mga Puso, para sa taunang One Billion Rising Dance.
Sa St. Scholastica’s College sa lungsod ng Maynila, maagang nagtipon-tipon ang mga kababaihan kabilang na ang mga estudyante para sa One Billion Rising Dance na isang global campaign laban sa Violence Against Women o karahasan sa mga kababaihan.
Ang mga participant, may suot na pink na laso sa kanilang braso.
Ilang mga personalidad ay dumating dito, gaya nina Sister Mary John Mananzan, Artist/Activist na si Monique Wilson at iba pa.
Sa pamamagitan ng pagsayaw, iginiit na mga participant ang “GIRL POWER.”
Dapat din anilang matuldukan na ang anumang pang-aabuso hindi lamang sa mga kababaihan kundi pati sa mga kabataan at mga miyembro ng LGBT community, human rights violations, at iba pa.
Pero bukod sa mga nabanggit, ang One Billion Rising Dance ay para na rin sa gitna ng banta ng Corona Virus Disease o COVID-19, na nakaapekto na sa maraming bansa sa mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.