Mahigit 5M na manggagawa sa bansa apektdo ng COVID-19
Nararamdaman rin ng private sector sa bansa ang epekto ng kinakatakutang Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa pagdinig ng House Committees on Tourism at Economic Affairs, sinabi ni Tourism Congress President Jose Clemente III na marami na ang nagkansela ng kanilang hotel bookings sa iba’t ibang tourism destination sa Pilipinas.
Dahil dito, sinabi ni Clemente na nasa 5.7 million manggagawa sa tourism industry ang maapektuhan ng krisis na ito.
Pinakamatinding apektado aniya rito ang isla ng Boracay dahil aabot ng hanggang 60 percent sa mga hotel bookings ang kinansela na ng mga turista.
Pumapangalawa rito ang Bohol, na isa sa mga lugar na binisita ng ikalawang confirmed case ng COVID-19 sa bansa.
Ang mga hotels naman sa Cebu, ayon kay Clemente, ay lugi na ng P100 million magmula nang ipinatupad ang travel ban sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.
Samantala, may mga kompanyang specialized sa China markets ang pansamantalang hindi muna nago-operate, habang may ilan naman anya ay tuluyan nang nagsara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.