Iraqi-Swedish terrorist, tatlong iba pa naharang ng BI sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 09:36 AM

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Iraqi-Swedish national at tatlo niyang kasama na pinaghihinalang terorista.

Ayon kay BI port operations chief Grifton Medina dumating sa NAIA Terminal 1 ang mga dayuhan sakay ng Jetstar flight galing Singapore.

Hindi inilabas ng BI ang pangalan ng mga dayuhan dahil sa kahilingan ng intelligence community.

Hindi pinapasok sa bansa ang mga pasahero at agad pinasakay sa paalis na flight.

Nabatid na bagaman wala sa blacklist ng BI ang pasaherong Iraqi-Swedish ay nasa listahan naman ito ng US intelligence authorities.

TAGS: BI, Inquirer News, Iraqi-Swedish terrorist, NAIA, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI, Inquirer News, Iraqi-Swedish terrorist, NAIA, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.