Bilang ng nasawi sa COVID-19 umakyat na sa 1,367; Hubei province nakapagtala ng 242 na nasawi sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 08:13 AM

(UPDATE) Sa nakalipas lang na magdamag ay nakapagtala ng 242 na panibagong bilang ng nasawi sa Hubei Province habang 10 pa ang nasawi sa iba pang bahagi ng China na apektado ng COVID-2019.

Dahil sa malaking bilang ng naitalang nasawi sa Hubei ay umabot na sa 1,367 ang global death toll ng COVID-19, 1,365 dito ay sa China.

Sa magdamag nakapagtala din ng 14,480 na panibagong kaso ng sakit sa Hubei Province.

Dahil dito ay umabot na sa 60,287 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ang malaking bilang ng kaso at nasawi sa magdamag ay dahil sa ipinatupad na pagbabago sa sistema ng pag-uulat ng datos sa Hubei.

TAGS: covid 19 death toll, COVID-19, department of health, Health, hubei province, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, covid 19 death toll, COVID-19, department of health, Health, hubei province, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.