F1 Grand Prix sa China suspendido na din dahil sa banta ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 07:28 AM

Sinuspinde na ang pagdaraos ng Chinese Grand Prix ng Formula One.

Gaganapin dapat ang F1 race sa April 19 sa Shanghai, China.

Pero nagpasya ang Formula One at ang governing body na FIA na huwag na itong ituloy.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ng banta ng coronavirus disease hindi lang sa China kundi sa iba pang panig ng mundo.

Base sa pahayag, maaring ituloy na lang ang Grand Prix sa ibang petsa o bago matapos ang taon.

TAGS: China, F1 Grand Prix, Formula one, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shanghai, Tagalog breaking news, tagalog news website, China, F1 Grand Prix, Formula one, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shanghai, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.