Amihan maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa ilang rehiyon sa Mindanao
Apektado pa rin ng Amihan ang buong bansa kaya malamig na temperatura pa rin ang aasahan ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, sa Baguio City, maaring umabot sa 11 degrees Celsius ang minimum na temperatura.
Sa Metro Manila naman, 21 degrees Celsius ang inaasahang minimum na temperatura.
Samantala, sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang amihan ay maaring magdulot ng mahihinang pag-ulan sa Caraga, Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay walang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.