Senator Bong go ihihirit kay Pangulong Duterte ang pondo para sa quarantine facility
Magpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Christopher Go para sa pondo ng isinusulong niyang quarantine facility sa mga pampublikong ospital.
Kasabay nito, sinabi ni Go na ihihirit din niya kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent ang naturang panukala.
Naisip ng senador na malagyan ng quarantine facility ang mga government-owned hospitals sa pangamba na lumobo pa ang bllang ng persons under investigation dahil sa COVID-19.
Binanggit ng namumuno sa Senate Committee on Health ang ginawang hakbang ng ilang bansa para mapaghandaan ang nakakamatay na virus.
Aniya dahil sa kawalan ng pasilidad dito sa Pilipinas napilitan ang gobyerno na gamitin bilang quarantine facility ang New Clark City ss Capas, Tarlac na ayon sa senador ay para sana sa pagsasanay lang ng mga atletang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.