“COVID-19”, public enemy number 1 ayon sa WHO
By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2020 - 06:37 AM
Maituturing na public enemy number 1 ang COVID-19 ayon sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, mas matindi pa ang epekto ng COVID-19 kaysa sa terorismo.
Ani Tedros ito na ang maituturing na public enemy number 1 sa buong mundo.
Malaking problema ayon sa WHO kung ang sakit ay makaaapekto sa isang bansa na mayroong mahinang healthk system.
Una nang sinabi ng WHO na sa loob pa ng susunod na 18 buwan bago masusubukan ang unang bakuna laban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.