“COVID-19” bagong tawag sa nCoV ayon sa WHO
Binigyan ng bagong pangalan ng World Health Organization (WHO) ang novel coronavirus.
Ayon sa WHO, “COVID-19” na ang magiging opisyal na tawag sa nakamamatay na sakit.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang ibig sabigin ng CO ay Corona, VI para sa Virus at D para sa Disease.
Kasabay nito sinabi ng WHO na nakikita nila ang matinding banta ng sakit sa buong mundo.
Pero nagkakaroon na aniya ng tyansa na mapahinto ang paglaganap nito.
Ayon kay Tedros, sa susunod na 18 buwan ay maaring handa na ang bakuna laban sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.