Air Asia, nagsuspinde na rin ng mga biyahe mula Pilipinas patungong Taiwan
Sinuspinde na rin ng Air Asia ang kanilang mga biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Ito ay kasunod pa rin ng ipinatutupad na expanded travel ban dahil sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Sa inilabas na abiso, sinabi ng airline company na suspendido na ang mga biyahe patungo at mula sa Kaohsiung City at Taipei.
Ayon sa Air Asia, maaring makapili ang mga apektadong pasahero kung nais magpa-rebook, refund o ilagay sa kanilang AirAsia BIG Loyalty account.
Matatandaang nauna nang sinuspinde ang mga biyahe mula sa Pilipinas patungong China, Hong Kong at Macau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.