Pag-apruba ng Kamara sa pagpapalawig ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act, welcome sa CHR

By Angellic Jordan February 10, 2020 - 06:48 PM

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pag-apruba ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpapalawig ng Republic Act no. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Sa ilalim ng House Bill 5869, ikokonsidera na bilang porma ng karahasan sa mga kababaihan gamit ang teknolohiya tulad ng stalking, pagha-harass sa text messages at chat at pagpapakalat ng video.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, na bahagi na ang digital technology sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

Importante aniyang mapalawig o iapela ang pagpapalawak ng sakop ng mga batas kasunod ng mga bagong pagsubok na kinakaharap ng mga kabataan bunsod ng electronic abuse.

Dagdag pa ni de Guia, makakatulong ang batas para mapaigting ang mga batas na poprotekta sa mga kababaihan at kabataan mula sa online abuse, stalking, exploitation at iba pa.

Maliban dito, tulong din aniya ito para makatanggap ng psychological at medical counseling, at livelihood assistance ang mga biktima nito mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“The Commission, as the Gender Ombud, welcomes this bill and hopes that the Senate expedites the passage of this bill
to ensure that the internet remains a safe space for all members of the vulnerable sector,” ayon pa kay de Guia.

TAGS: Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, Expanded Anti-Violence Against Women and Their Children Act, House Bill 5869, Republic Act no. 9262, Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, Expanded Anti-Violence Against Women and Their Children Act, House Bill 5869, Republic Act no. 9262

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.