Pangulong Duterte, walang kinalaman sa quo warranto petition vs ABS-CBN

By Chona Yu February 10, 2020 - 03:11 PM

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO

Dumistansya ang Palasyo ng Malakanyang sa inihaing quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) na
nagpapawalang-bisa sa prangkisa ng television network na ABS-CBN.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, tungkulin ni Solicitor General Jose Calida na gampanan ang kanyang trabaho at maghain ng kaso kung sa tingin niya ay may nilabag na batas ang ABS-CBN.

Ayon kay Panelo, kailanman ay hindi nakialam ang pangulo sa trabaho ng ibang sangay ng pamahalaan.

Saka lamang aniya eeksena ang pangulo kung napunta na ang usapin sa korupsyon.

Diskarte na aniya ni Calida ang ginawnag hakbang sa ABS-CBN.

Paliwanag pa ni Panelo, nagpahayag lamang ng galit si Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN dahil sa hindi page-ere ng
kanyang campaign advertisement kahit na bayad na noong 2016 Presidential elections.

Hindi aniya pagsupil sa malayang pamamahayag ang ginawa ng pangulo nang banatan ang naturang TV station.

TAGS: OSG, quo warranto petition against ABS-CBN, Quo warranto petition vs ABS-CBN, Sec. Salvador Panelo, Solicitor General Jose Calida, OSG, quo warranto petition against ABS-CBN, Quo warranto petition vs ABS-CBN, Sec. Salvador Panelo, Solicitor General Jose Calida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.