Korapsyon sa DICT pinaiimbestigahan na sa Kamara
Pinaiimbestigahan sa Kamara ng ilang kongresista ang umano’y korapsyon ng Department of Information and Communications (DICT) sa paggamit ng P300 miyon contingency funds para sa surveillance.
Base sa House Resolution No. 17 na inihain ng 17 kongresista kabilang sina House Minority leader Bienvenido Abante Jr, at House Deputy Minority leader Carlos Isagani Zarate, hiniling ng mga ito sa House Committee on good government and public accountability na busisiin ang ibinulgar ni DICT Undersecretary Eliseo Rio na daan daang milyon piso ng confidential funds ang ginamit para sa surveillance na hindi na mandato ng DICT.
Ayon kay Zarate, dahil sa pagbubunyag ni Rio, gagamitin ng kongreso ang kanilang oversight powers para busisiin kung saan napnta ang nasabing pondo.
Pinaalala naman ni Abante na ang pagsasagawa ng surveillance ay hindi bahagi ng mandato ng DICT kundi siguruhin ang karapatan ng bawang indibidwal sa privacy at confidentiality ng impormasyon ng bawat Pilipino.
Pinuna din ng mga kongresista, ang audit observation memorandum na may petsang Enero 20,2020 ng Commission on Audit (COA) ang P300 mioyon in cash para sa confidential expenses sa tatlong okasyon na P100 milyon noong Nobyembre 8, Disyembre 3 at 17 ng nakaraang taon.
Binanggit din nila sa nasabing resolution na ang P400 milyon confidential fund ay nakaipit sa Senado noong panahon senador pa si DICT Sec. Gregorio Honasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.