Mayor Catacutan, kumambyo sa unang pahayag sa quarantine site sa New Clark City

By Chona Yu February 09, 2020 - 01:19 PM

Kumambyo si Capas, Tarlac Mayor Reynaldo Catacutan sa naunang pahayag na tutulan na gawing quarantine site ng mga Filipino mula China ang New Clark City.

Ayon kay Catacutan, bilang ama ng bayan, natural lamang na makadama ng takot at protektahan ang kanyang mga kababayan sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ayon kay Catacutan, hindi pa naman pinal ang kanyang naunang pahayag noon na pagtutol sa hakbang ng national government.

Ayon kay Catacutan, walang hurisdiksyon ang lokal na pamahalaan sa New Clark City dahil nasa ilalim ito ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Katunayan, sinabi ni Catacutan na inaalok ngayon ng kanyang mga kababayan ang kanilang tahanan, simpatya at panalangin para sa mga kapwa Filipino para magkaroon ng permanenteng solusyon kontra sa coronavirus.

Dumating na ang 30 Filipino mula Hubie at agad na dinala sa New Clark City apra sa labing apt na quarantine period.

TAGS: 2019-nCoV ARD, Mayor Reynaldo Catacutan, New Clark City, quarantine site, 2019-nCoV ARD, Mayor Reynaldo Catacutan, New Clark City, quarantine site

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.