Sen. Villanueva, pinuna ang pagdagsa pa rin ng mga Chinese sa Boracay
Pagiging iresponsable, ayon kay Senator Joel Villanueva, ang pagtanggap pa rin ng mga turistang Chinese national sa isla ng Boracay.
Pagdiin ni Villanueva, may seryosong isyung pangkalusugan ngayon kayat nararapat lang na makiisa at sumunod ang lahat sa mga babala para hindi kumalat ang 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Aniya, ang patuloy na pagdating ng mga turistang Chinese ay paglabag sa ginagawang pag-iingat kayat hindi dapat balewalain ang utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na muna magpapasok sa bansa ng mga turista mula sa China.
Sabi pa ng senador, sa nangyayari sa Boracay, nalalagay sa panganib ang ibang mga turista, residente at trabahador sa isla.
Katuwiran pa ni Villanueva, nakakaapekto pa ito sa limitadong kapasidad ng Pilipinas na tumugon sa isang global health emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.