BGC-Ortigas Center Road link project, 45 percent nang kumpleto – DPWH
45 percent nang kumpleto ang konstruksyon ng Bonifacio Global City (BGC) to Ortigas Center Road Link Project
Ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang proyekto araw ng Bieyrnes (February 7).
Ginawa ang kalsada para mabawasan ang dami ng sasakyang dumadaan sa EDSA at C5.
Sa sandaling makumpleto na sa taong 2021 ang BGC-Ortigas Center Road link ay 11 minuto na lang ang biyahe mula BGC hanggang sa Ortigas Central Business District at pabalik.
Sa ngayon kasi, mula BGC patungong Ortigas, tanging EDSA at C5 lamang ang dinaraanan ng mga motorista.
Ang P1.6-billion project ay mayroong apat na linya kung saan maglalagayng Sta. Monica-Lawton Bridge at tatawid ng Pasig River. Pagdurugtungin nito ang Lawton Avenue sa Makati at Sta. Monica Street.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.