Apat na katao isinailalim sa quarantine sa Baguio City
Mayroong apat na katao na isinailalim sa quarantine sa Baguio City dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus.
Ayon kay Deptartment of Health (DOH) Cordillera Center for Health and Development Officer-in-Charge Regional Director Dr. Amelita Pangilinan ang mga pasyente na tatlong babae at dalawang lalaki ay edad 2, 27, 23 at 57.
Lahat sila ay pawang stable naman ang kondisyon at naka-confine sa ospital.
Pawang Pinoy umano ang APAT at magkakamag-anak na pawang may history ng pagbiyahe sa Hong Kong.
Ayon kay Pangilinan, pagkatapos magbiyahe sa Hong Kong ay kusa silang nagtungo sa ospital para magpatingin.
Kinuhanan na ng samples ang lima at hinihintay pa ang resulta ng confirmatory tests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.