DFA may abiso sa mga passport applicant na apektado ng flights cancellations dahil sa nCoV

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2020 - 01:50 PM

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga aplikante para sa passport at passport renewal na apektado ng flight cancellations dahil sa 2019 novel coronavirus.

Ayon sa DFA, maaring may mga aplikante para sa passport ang hindi makakapunta sa kanilang appointment sa consular offices dahil sa nakansela ang kanilang biyahe o kaya naman ay kabilang sila sa naisailalim sa 14-day quarantine.

Ang mga hindi nakapunta o makakapunta sa consular services base sa schedule ng kanilang appointment ay maari pa rin silang i-accommodate ng DFA.

Bibigyan sila ng 30 araw mula sa petsa ng kanilang appointment para magtungo sa consular office kung saan sila naka-schedule.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Consular Office, department of health, DFA, Health, Inquirer News, ncov, News in PH, novel coronavirus, passport appointment, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Consular Office, department of health, DFA, Health, Inquirer News, ncov, News in PH, novel coronavirus, passport appointment, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.